Saturday, September 08, 2007

kita-kits sa gateway : )

matagal ko nang kinukulit ang thesis mate kong si badz, bago pa ang aug.28 niyang birthday: kailan ka manlilibre? siyempre, ang kapal ko! to think na hindi ako nanlibre nung may. hehe! ; ) well, kumagat siya. september raw. nung tuesday, actually. eto nga lang ang masaya: sa gateway raw. GATEWAY?! sa tingin niya, yun daw kasi ang gitna naming tatlo nina candy. teka, paano naging gitna ng malabon, manila at cavite ang cubao? oh, well. libre naman. : )

so straight from my roxas boulevard office, i took a jeep, LRT &
MRT to get to gateway. when i got there already, grabe, memories. hindi naman ako malimit doon nung college kasi third or fourth year na ako nung natapos yun pero familiar pa rin. tanda ko kasi na palatandaan na turo sa akin ni guiller yung mga watson's. wala lang.

sa food court kami, para maraming choices. nauna na si candy, kaya hinanap ko siya. but before i saw her, look who i saw:



si de-anne, friend from gabay & the SOA EB!

siyempre, tuloy ang paghahanap kay candy. nagulat ako nung nakita ko siya kasi:



nagpakulay siya ng buhok! in fairness, bagay sa kanya kasi maputi naman siya. dahil forever na late si badz, chika muna kami. wala na pala siya sa st. bridget - sa ateneo na siya, formator sa office of social concern & involvement. right now, she's organizing the outreach program to the introduction to ateneo culture class. mentor din siya sa eliazo hall (the dorm for females). cool! pag nag-aral na siya ulit next ng counseling next sem, hindi na siya mahihirapan pumasok. hehe. naikwento ko naman na wala na ako sa HR. there were also the usual love life-related questions. wala naman akong bagong maikwento. hehe! ayun.

past 8 na ata dumating yung manlilibre, grabe! nagtago kami ni candy para hindi niya kami makita agad. hehe! tawa kami nang tawa kasi kitang-kita namin si badz, pero hindi niya kami makita. hehe, para kaming bata. : D

well, nakita rin niya kami kasi naka-pink si candy. buo na uli ang HAS (hernandez, abad, sarmiento - the name of our thesis group)! at kainan na!



food from jumbo japs.


crunchy tuna maki. even after this variation on the ever-popular maki, i don't think i'm ever going to like maki/sushi.




habang kumakain, kwentuhan to the max. badz told us about his work. siyempre, inevitable na balikan naming tatlo yung college days namin. after all, lagi kaming magkasama sa group work. binalikan namin yung father dacanay/theology 131 days namin - mga panahong sobrang tense kami pag malapit na ang 9 ng gabi, kasi deadline yun ng pagpasa ng group reflection paper. grabeng stress yun, to think na 5% lang yun ng final grade. nakakaloka pa kasi inuna pa namin yung reflection paper kaysa report namin sa cognitive psych, to think na 20% yun ng grade. grabe.

badz & i even reminisced on our eddie boy calasanz/philo 103 days. candy took another teacher, kaya kinuwentuhan na lang namin siya. kung terror si dacanay, mas terror si calasanz. grabe, to the nth level. but on second thought, terror ba si calasanz mismo, o yung mga grades lang na binibigay niya? hehe! kasi naman, highest grade sa ateneo ang 4, passing ay 1. alam mo ba kung ano ang nakuha ko sa first long test namin kay calasanz? 0.5! o di ba, half lang ng passing grade. but it's not too bad when you consider that other people got 0.1 or 0.2 or plain zero. to think na open book ang exam, pwede kang mag-discuss with classmates, umuwi sa bahay, gumamit ng computer at kung ano-ano pa, basta maipasa mo yung essay mo by 12 midnight. amazing.

at some point, i asked for dessert. ayaw na manlibre ni badz, kaya ako na lang para hindi na ako manlibre next time. hehe! i got three servings of halo-halo from razon's (grabe ang patong. 68 sa gateway, to think na aroung 40-50 lang sa guagua. hehe.).





ayun, kuwentuhan pa ulit nang todo. november last year pa kasi kaming huling nagkita. past 10 na nung umalis kami. kung hindi lang malayo ang bundok ko, hindi ako magyayayang umalis.

past 12 na ako nakarating sa bahay. nakakatawa kasi hindi pala nila alam na wala pa ako. wehehe.

nakakapagod, grabe. it took tremendous effort to keep my eyes open during the whole trip. but it was worth it. sa uulitin, friends. : )

2 comments:

Anonymous said...

teka, paano naging gitna ng malabon, manila at cavite ang cubao?

haha, sorry... alam mo namang sabog ang sense of direction ko, lalo na pagdating sa malalayong lugar ;p

---

sa uulitn :D

grace said...

hindi, ngayon ko lang nalaman na sabog ang sense of direction mo. grabe! as if naman dulo ng mundo na ang cavite at malabon. hehe... ;)