believe it or not, i still have 11.5 days of unavailed vacation leave. sabi nga ng boss ko, mag-leave na lang ako every friday para magamit ko. hmm, tempting. :)
ewan ko, pero parang weird naman kung every friday. kaya nag-sched na lang ako nang paunti-unti. yung consecutive five-day leave ko, sa november pa. pero nag-leave ako ngayon para kunin ang aking long-overdue diploma.
i went to the registrar to apply for it. i was expecting to be advised when i could get it. to my surprise, available na! wow, it took dean cruz only 2 and a half years to sign it this time. dati kasi, 3 years daw. hehe. (but we psych majors are still not the last ones to get our diplomas. sabi ni tenten, hindi pa rin daw nakukuha ni ate maria yung diploma niya, to think that she graduated the same time we did. grabe ang english dept!)
since it was in latin, i requested for an english translation. that cost me 80 bucks. nakakainis! well, medyo. just think, you toiled away for four grueling years only to get a diploma that you don't understand. where's justice in that? i'm being so melodramatic. hehe.
(oo nga pala, pangit din yung papel - parchment lang! buti pa sa uste, colored at makapal.)
nakakatawa kasi nung inaabot sa akin nung guy yung diploma, nag-explain pa siya:
guy: miss, once lang po kami mag-i-issue nito. kaya pag nasunog, nawala o nabasa, hindi ka na pwede mag-request ulit. gusto mo po bang mag-apply for a certified true copy?
me (thinking quietly): pagkatapos mo akong takutin nang ganyan, makaka-hindi pa ba ako?
seriously. tama ba naman yon! hehe. :)
i knew the diploma was big, but i didn't realize how big. just to give you an idea:
grabe. i had trouble taking it home, as it was raining. iniisip ko nga, idiretso ko na sa taga-frame. kaso, wala nga pala akong perang pang-deposit kung sakali. hehe!
finally, masasabi ko nang graduate na talaga ako. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
wah! nabura yung comment ko :(
ulit...
---
medyo madami yung comments, hehe...
1) pano mo inuwi yugn diploma?
2) may nagsabi sa akin na meron pa daw babayaran sa stamp (P15)? bukod pa 'to sa binayaran sa tuition dati?
3) ano pinagkaiba ng certified true copy sa englsh translation? latin din ba at malaki yung ctc?
4) P80 na yung english translation? buti pala kumuha na ako dati kasabay ng transcript (balita ko nagmahal na din daw yung transcript)
5) hindi pala siya kasing laki nung ineexpect ko (or at least hindi kasing haba)... wala lang...
6) napaframe mo na siya? kung oo, magkano inabot?
wow, question galore!
1. bumili ako ng paper bag na malaki. ibinalot ko muna sa plastic yung diploma, tapos nilagay ko sa paper bag.
2. yup, kailangan mo magbayad ng P15 for the documentary stamp tax (DST). hindi ito part ng tuition. don't worry, sa BIR ito mapupunta. :)
3. ctc is a bond paper-sized photocopy of your actual diploma. may ilalagay lang na stamp/signature/mark yung registrar's office. back-up lang ito if something happens to the original, kasi hindi na sila mag-i-issue ulit. the english translation is just that - an understandable version of the diploma, with our course indicated. :)
4. yup, P80 na yung english translation. parang P30 nga lang yun dati.
5. pero malaki pa rin! 17.5 x 21 ang sukat ko.
6. ipapa-frame ko pa lang. sa harrison plaza, may nag-quote sa akin ng P800 (plain, no matting). may nag-quote na rin sa akin ng P1012 for plain, at P1440 (with 1-inch blue matting). parang gusto ko ngang bumalik sa registrar at magsabing, "bigyan niyo ako ng mas maliit na version para mas mura ipa-frame!!!" ;)
1) hehe, ok, kailangan umisip ng mas madaling paraan, haha :D
2) don't worry, sa BIR mapupunta? that makes me worry more, haha :D
3) yung diploma hindi na sila magiissue ulit, pero yung ctc pwedeng sa future na irequest? o one time lang din yun?
4) yung ctc pala magkano?
6) maliit na version = ctc, or kahit english translation, haha :D or pwedeng iphotocopy mo sa parchment paper yung ctc ;p
1. mas madali actually kung meron ka nung plastic tube na pinaglalagyan ng plano ng engineers or architects. kaso, wala nun sa loyola schools bookstore kaya nag-improvise na lang ako. ;)
2. wahaha! oo nga naman. well, isipin mo na lang na baka makatulong yung DST mo sa pagbawas sa budget deficit ng gobyerno. :D
3. i think it would be better if you request for the CTC right then & there because they have to photocopy the diploma. unless na willing kang bitbitin ulit. :)
4. the CTC is also P80.
Hehe, hi grace. My diploma is the complete opposite, mas maliit pa sa letter-size bond paper. Parang peke nga eh, if not for the leather case. Nagtitipid na talaga ang State U kaya ganun... :-)
sa amin naman, parang hindi na sila naawa sa mga puno. :D
waaah ate grace. nakakaloka ang laki ng diploma. haha.
so meaning mga 2009 or 2010 pa makukuha ng batch 2007 ang diploma? o depende sa school/dean? grabe ah.
hi kd!
"nakakaloka" is the right word. imagine mo na lang ang itsura kong nung iniabot sa akin. wow.
yup, depende sa pagpirma ng dean. though pwede ka namang magtanong sa registrar's office para malaman mo kung okay na. malay mo, mas maaga maging ready yung inyo. ;)
Post a Comment