ang isa sa mga hindi ko maintindihan ay bakit kung kailan todo-todo ang pagpaplano, hindi natutuloy ang lakad (akala niyo, kung anong malalim, no? hehe.). sa bagay, okay lang din. mas nagiging amazing yung mga lakad o gimik na biglaaan, pero natutuloy. katulad kanina. :)
lunch time. hindi ako naka-order, kaya pumunta ako sa ministop. nakapila pa lang ako nung nakita ako ni sarah at benj. kakain pala sila sa unit nina benj sa 17th floor ng building namin. nauna na si benj sa taas, kami naman ni sarah, bumili muna ng dalawang lata ng meat loaf. magluluto pala kami. may vienna sausage pa raw si benj. ayos!
pagdating namin sa taas, iniinit na ni benj yung kanin at nakapagsalang na rin siya ng mantika. niyaya rin nila si connie, pero hindi siya nagre-reply.
sobrang nakakatuwa kasi ang tagal ko na silang hindi nakakasama. to think na nung management trainees pa kami, halos araw-araw kaming sabay kumakain. sa bagay, that was almost two years ago. patapos na nga yung bond namin sa february 6, e.
ayun, siyempre, usap-usap. nakaka-miss yung ganoon, sobra. sayang lang kasi kailangan ko nang mauna pabalik ng office. anyway, pwede pa namang ulitin hanggang wala pang umuupa sa unit nina benj. :)
after work naman, dinaanan ko si nel sa HR. biglaan ulit, nagkayayaan. si nel na dapat 7 pa uuwi, nagligpit before 6. sumama rin si kacey at si elcie (na napadaan lang sa HR). ayun, get-together ulit! libre ko nga lang. buti na lang, minsan lang. :)
we ended up eating at mang inasal. siyempre, chika galore ulit. naputol lang after umalis ni kacey with cliff, her boyfriend. pero tuloy pa rin kami sa starbucks, kung saan si nel lang ang bumili ng kape. hehe.
ayun, bago namin namalayan, past 9 na pala. oras na para umuwi. kami ni nel, may round three pa ng chismis sa FX.
kaya gabi na ako umuwi, kahit na maaga ako dapat bukas. kaya inaantok na ako. kaya malapit nang iluwa ng mata ko ang contact lens niya. pero okay lang. okay lang talaga. :)
Monday, January 07, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment