Saturday, July 01, 2006

kahapon...

inasar ako ng HR. dahil lagi raw akong late umuuwi, may possibility na magaya ako kay ma'am glo ng accounting. matandang dalaga siya. workaholic din - yung tipong inuumaga sa office, at pumapasok pag sabado. kaya...

me: sige na, hanapan niyo na ako ng boyfriend! parang awa niyo na!
ma'am ting: grace, ang boyfriend, hindi hinahanap. pinag-iipunan yun. tingnan mo ako, magre-renew ng loan sa coop para makabili.

(the whole HR laughs)

harhar.


= = = = = = = = = =

kagabi, naglalakad kami ni elcie pauwi galing ng sm harrison.

(a pregnant woman walks by, wearing a really nice top)

me: (points to woman) pag nabuntis ako, magsusuot rin ako ng ganyan.
elcie: humanap ka muna ng bubuntis sayo bago mo sabihin yan.


supalpal na naman. grabe, dalawang beses sa isang araw.

pero seriously, ayoko pa. pagpapahingain ko muna ang puso ko.

3 comments:

Anonymous said...

shox! shox! magdo-double effort na ako sa pag-iipon! ganun pala un...

wehehe! ;p ÜÜÜ

(pero yan din nga ang pantakot saamin ni sir ricky pag andun pa kami ng 6 pm - tatandang dalaga, kaya tumatakbo na agad ako, hehehe, jk!)

Anonymous said...

pinag-iipunan daw yung boyps... so, magakano budget mo? hanapan kita :-P
hmmm... hehehehe

grace said...

sarah!
sabi nga ni sir ricky, siya ang bahala sa "internal recruitment" ng "papa" ko. si ma'am jen naman, nagvo-volunteer na maging targeted selection interviewer, basta magbigay lang ako ng criteria. hehe!

gee,
magkano ba ang bili ni chi sayo? wahaha! ;)