Saturday, July 07, 2007

laoag

the plane landed in laoag on time - 11:10. siyempre, bumaba ako agad. excited! : )

our laoag branch head - ma'am baby puruganan - was there to pick us up. sinabi agad nila na "turista" ako - i went there on my own expense. kaya para hindi naman daw sayang ang punta ko, idinaan muna niya kami sa fort ilocandia.






nakakaaliw kasi nung may dumating na bus, nagkantahan sila:



o di ba, full costume pa!

sandali lang kami sa fort ilocandia - less than 15 minutes lang siguro. nahiya kasi kami kay ma'am baby kung magtatagal kami kasi nasa kotse lang siya.

after fort ilocandia, malacaƱang of the north naman. past 12 na kami dumating kaya hindi na kami nakapasok. hanggang 11:30 lang pala sila, then 1 na ulit. from afar, kita na lumang bahay ang itsura - with wood & capiz windows. nadaanan din namin ang maharlika hall.

on the way to the branch, marami kaming nadaanang kalesa. may pila rin sa tapat ng branch. naaliw ako kasi hindi ko alam na marami pa rin palang kalesa sa laoag.



gusto ko sanang sumakay, kaso hindi ko naman alam kung saan ako pwede pumunta.

past 12 na nung dumating kami sa branch. sakto, lunch! nag-serve sila ng bagnet, pancit, fish, bagoong, kanin at pinya. masarap yung pancit, kaya tinanong ko kung anong klase yun. canton lang daw, pero promise, masarap talaga. bagnet pa nga ang sahog, e.

you might ask, ano nga pala ang bagnet?! basically, it's an ilocano version of lechon kawali. pareho lang ang lasa.
the good thing about it is hindi yun makunat, kahit sa toaster lang namin ininit. sobrang lambot din ng laman. nagpabili ako ng 2 kilos para sa bahay at sa corplan.

well, dahil OB nga ang pinunta nina ma'am maggie doon, i was left to my own devices. kaya...

nagpalinis ako ng kuko. yup, kailangan talagang sa laoag pa ako magpalinis! hehe, exciting! wala kasi akong magawa. mabilis lang kami doon, kaya hindi naman ako makapunta sa malayo. a few weeks ago, nagpalagay kasi ako ng nail polish. hindi ko natanggal nang maayos kaya ang pangit tingnan. ayun.

buti na lang, sa harap lang ng branch, may parlor. well, luminis nga ang kuko ko, uminit naman ang ulo ko. ang sakit kaya! next time, i know better. i'll give my specifications first. maarte kasi ako, e. ayokong sinusungkit yung kuko, o ginugupitan yung balat. ayoko rin ng merthiolet (tama ba ang spelling?). linis lang talaga ng kuko dapat. okay?

there were some technical difficulties, kaya past 3 na sila natapos sa branch. siyempre, photo ops muna bago umalis:

talagang gumitna ako. hehe! at the back are sir laurich and ma'am elma. in front, from the left: kuya allan, nel, ma'am maggie, me, ma'am judith, ma'am baby, and ma'am mely.


hinatid kami ni ma'am baby sa station ng partas, para sumakay ng bus papuntang vigan. malayo pa rin pala - P121 din ang pamasahe. the trip took us two hours, which i used for sleeping.

2 comments:

chi said...

so di ka nakapasok sa malacanang? :( sayang!

grace said...

hindi. sayang nga, e. : (