Sunday, July 15, 2007

vigan na!

grabe, tingi-tingi ang pag-post ko! wehehe!

pahabol lang sa laoag:




nakuhaan pala ako ni ma'am maggie. wala lang. : )

after laoag, two-hour trip naman to vigan. nakakahiya nga sa mga taga-vigan, 5:30 na kasi kami nakarating. buti, malapit lang ang vigan branch namin sa tricycle terminal. hindi kami nahirapan pumunta.

nalungkot nga lang ako nung nakita ko yung branch. luma na kasi yun, eh. matagal nang for renovation, pero hindi namin mapa-renovate kasi hindi ata na-a-approve ng vigan council yung design. sa historical area kasi kami located.



good thing, tomorrow na ang start ng construction ng bagong branch. lilipat na kami! mas maganda ang magiging location kasi nasa sentro mismo ng vigan. parang gusto ko tuloy bumalik para tingnan ang branch pag gawa na. hehe!

though medyo late na, maliwanag pa naman. i decided to go exploring on my own. na-excite ako dahil hindi pa ako nakakalayo, nakita ko na ito:




shopping time na! : ) bought these:

big vigan mug for P180, abel iloco bag for P120, vigan shirt for P130 & cellphone bag for P20. also bought a massager for P70, & 3 hand towels shaped like dresses for P100.

dahil nga sobrang excited ako makita yung mga lumang bahay, i couldn't get enough of them when i was already there.








nakakalungkot lang kasi some are in dire need of repair already. actually, kahit repainting nga lang. sana i-restore, para mas maganda.



sakto kasi when i got back to the branch, paalis na sila for dinner. sir mon, our vigan branch head, drove us to alad, a nearby resort own by the family of his wife's sister. kasama rin namin si raizen, one of our vigan branch personnel.

they served us bagnet, fish, red chopsuey (as in red talaga, parang may ketchup, weird at first pero masarap) & rice. may nagsiyasiyam (not sure of the spelling) din - sabi ni sir mon at ni raizen, basically pritong balat daw yun ng longganisa. masarap din! meron ding malalaking chicharon na coquillas daw ang tawag. ayos ang dinner namin, marami akong bagong natikman. : )

after dinner, walang kamatayang videoke. as in. baka hindi lang P150 ang naubos namin sa machine.



oo nga pala, naka-100 ako! lost in your eyes ni debbie gibson. akalain mo! ; )

i think it was almost 10 already when we left. hinatid kami ni sir mon sa gordion inn, where he booked us for the night. kahit gabi na, hindi pa rin namin pinatawad ang camera.





naks, makaluma ang itsura ng pics! in keeping with the look of the place. : )

i think 11 na nung naka-settle down kami. the room was okay - malaki naman. a movie of ann curtis was showing on cinema one. hindi ko alam yung title - basta yung anak pala siya ng demonyo. grabe, tinapos ko talaga yun. tinapos ko rin yung isa sa mga librong dala ko - crazy as chocolate by elisabeth lowell. kaya 2 na ako nakatulog.

ma'am maggie woke up nel & me before 6. gusto kasi namin habulin yung biyahe ng partas to baguio, eh 7:30 raw ang alis. kaya dali-dali ang pagligo at pag-aayos.

we had our breakfast in what they call, "the ruins". in fairness to gordion inn, maganda ang ambiance. good thing, the weather cooperated. hindi muna umulan. : )





i had tapa & pomelo juice. masarap naman.



weird lang kasi basil leaves ang kasama ng juice at gulay. basil?!

all in all, okay naman sa gordion. i paid only P400 for my extra bed & breakfast. pwede na, no?



on the way to the main road, photo ops na naman ulit:







babay, vigan!

sa kasamaang-palad, naiwan kami ng bus papuntang baguio. hindi pala 7:30 ang alis, 7! kaaalis pa lang daw pagdating namin, as in 1 minute pa lang. hay...

we just decided to take the bus to manila, then bababa kami sa san fernando, la union station ng partas. baka maabutan pa kasi namin ang bus papuntang baguio. kaya hintay muna.



sa susunod na ulit. : )

4 comments:

Ria said...

gordion inn! jan kami nag-stay when i last went there. :D wala lang. hehe.

grace said...

talaga, ate ria? how did you find it? nagustuhan ko talaga yung ambiance. :)

Ria said...

honestly, di ko na maalala. hehe. we spent most of our time outside so natulog lang talaga ako jan at naligo =) but i love vigan! sayang lang di ko nagawang kumain dun ng authentic empanada.

grace said...

hindi rin ako nakakain ng empanada dun. pero okay lang, kasi nakakain naman ako ng authentic bagnet. :)