Sunday, June 11, 2006

wala lang...

may nagsabi sa isang kaibigan kong: ayoko yung ginawa nila sayo. basta ka lang nila itinapon. buti na lang, lumutang ka.

gusto ko ring may magsabi sa akin na buti na lang, lumutang ako. ngayon kasi, hindi ko pa nararamdamang maayos na ang mga bagay–bagay. sa totoo lang, nararamdaman kong nakalubog pa ako. minsan nga, nararamdaman kong patuloy pa akong lumulubog. naitatanong ko tuloy, tama ba ito? patas ba ang ganito? parang lahat na lang ng bagahe, ibinigay sa akin ngayon. may bangka nga ako, wala naman akong sagwan.

= = = = = = = = = =

kausap ko ang isang kaibigan ko kahapon. tinangka niyang payuhan ako. (bakit ko sinasabing “tinangka”? kasi matigas ang ulo ko, hindi ako madaling pasunurin.) may punto siya kaya susubukin kong sundin ang payo niya. sana lang, kasabay ng pagtatangka kong ito ay tumibay ang loob ko, upang kayanin ko.

= = = = = = = = = =

isa pang mensahe mula sa isa pang kaibigan: kaya mo yan gracie. kaw pa…labo din talaga, no? may mga taong minsan lang magmahal pero nasasaktan pa. may madaming beses nang nagmahal, di pa rin makita yung para sa kanya.


bakit kaya ganito?

No comments: