holler!
natawa ako, may comment na si chi na "update!" sa chatbox ko. first time ko atang nakatanggap ng ganoong comment. busy kasi ako during the past two weeks, kaya hindi na ako nakapag-update. tinatamad din. hehe! ; )
i went to a retreat last last week (feb. 23-25). buti na lang talaga, nakapunta ako. it was sponsored by the family renewal movement, a community that deirdre belongs to. actually, siya ang nag-invite sa amin. i went there with rica and rocel, two embryo classmates. there, i met jacqui & em, two of deirdre's college friends. we hit it right off. as in. we got to the BLD covenant house at 4:42 (sakto ang estimate ni manong driver!) but were already laughing our heads off at each other's stories before sunset. grabe kasi ang kwentong fitness first nina em at rica! i bet nagsisi si deirdre na kami ang pingsabay niya sa isang batch. hehe!
at some points, ang hirap ngang tandaan na retreat pala iyon. ang kulit kasi namin! 2 o'clock na kami natulog nung friday night (este, saturday morning) kasi puro kwentuhan. ang hirap tumahimik! pero kailangan, baka magising ang mga kasama namin sa "morgue" (mukhang morgue kasi ang kwarto namin, puro nakatalukbong ng puting kumot ang mga kasama namin).
kaya ayun, inaantok ako nang todo habang may nagsasalita. buti na lang, may kape.
nung saturday night (actually, sunday morning), 2 ulit ang tulog. ang masaya nito, ginising pa kami ng 5! as in! hinarana kasi kami ng sponsoring class. in fairness, na-enjoy ko yung songs kahit na single na ako. : )
buti na lang, balik sa tulog afterwards. then gising ulit ng 7.
teka, retreat nga pala iyon. haha!
maganda naman ang talks. i appreciated the one given by tita rose & tito paulo pabalan most. it was about traditional versus progressive beliefs. napaisip talaga ako sa discussion. a couple of times, napaiyak din ako sa reflections (as expected). natuwa rin ako nung nakita ko yung envelope na puro palanca letters from my family & friends. thank you. : ) & in fairness, i left BLD feeling a lot lighter & more optimistic. thank you, Lord. : )
kagagaling ko nga lang pala sa southmall dahil may 3-day sale. i was able to buy a bag, & two blouses today. nung friday naman, 1 business attire (na kailangan ko pang ipa-alter!) at amy tan's "the bonesetter's daughter". tapos ko na, kanina pa. bumili nga rin pala ako ng desk organizer nung friday. kung nakita mo na ang mesa ko sa office, obvious na kailangan ko. hehe! well, sobrang nice nung organizer! ican't wait to bring it to the office! yay! : )
oo nga pala, bumili rin ako ng walang-kamatayang stockings. : )
o siya, eto lang muna. may pasok pa ako bukas. balak ko pang pumasok nang maaga para ayusin yung mesa ko. career! : )
sweet dreams, friends. : )
Sunday, March 04, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hi!
ang tagal mo ngang walang post, hehehe...
hope everything's going well...
---
oh... almnost two months in a subsection of comp and ben, i know i'd still choose the stress that comes with recruitment... wala lang, naisip ko lang ishare... more than 10 months to go though... :p
oo nga, eh. kaya mahabang post agad. :)
about recruitment, sayo na lang! mega stressful! ;)
Post a Comment