alam ko namang tumaba na ko mula noong abril, ang buwang huli akong nagpatahi sa kanya. pero hindi naman siguro ako umabot sa puntong mukha na 'kong baboy, di ba? at hindi naman ako bata na kontrolado pa ng magulang ang pagkain, para sabihin niyang "napabayaan" ako sa kusina.
hindi pa rito nagtatapos ang kwento. nang isinukat ko ang blusang ipaaayos ko sa kanya, sinabi niyang: "ay naku, ang baba ng balikat nito. mukha tuloy lalong lumalaki ang braso mo."
sabay harap sa mommy ko: "hindi talaga pwede sa kanya ang RTW. dapat talaga, yung tama ang sukat."
at meron pa, mga kaibigan: "parang panlalake kasi ang katawan niya, e. malapad ang balikat." tama ba namang humirit pa? sa puntong ito, natatawa na ang kapatid ko. buti naman, nakuha pa niyang magpigil, kahit papaano.
pero in fairness, maayos siya magtahi. mura pa - 200 bawat pantalon. sa 750, may blazer, skirt at slacks ka na. kaya nga kahit natatagalan kapag marami siyang tanggap, sa kanya pa rin kami nagpapatahi. sa mga tulad ko nga lang na medyo alanganin ang katawan, kailangan ng konting pasensya.
========================
nag-aaral na nga pala ako para sa revalida namin. ayaw ko pa sanang simulan, kaso marami talagang dapat basahin, e.
========================
katatapos ko lang pala kumain ng dirty ice cream. sa totoo lang, kasabay kong kumain si nimbus, ang aming butihing aso. kilala na kasi niya ang tunog ng batingaw ng sorbetero, kaya lumalapit na siya sa gate kapag may dumaraan, o di kaya'y kumakandong sa daddy ko. grabe, naunahan pa niya 'kong maubos ang ice cream!
at least, nauubos niya ang binibili sa kanya. salamat din at hindi pa niya nakikilala ang musika ng selecta at magnolia. kapag nagkataon, mas malaking gastos yun. :)
No comments:
Post a Comment