i absolutely love this email. reading it even after 9 months never fails to make me smile, & relive our fun times. in a way, it might seem weird that it was the only guy in our group who was able to capture into an email all the emotion-filled moments that we shared, but i'm quite glad that badz was able to do that.
the italics in parentheses are mine. read on, if you're patient enough. ;)
=========================
hello! :)
musta na? hehe... dapat nung monday pa ako mageemail nito, pagkakuha ng grades, pero hindi ko natapos itype... buti pala hindi ako nagemail nun, may idadagdag pa pala ako:
congrats! :) naks! bukod sa may latin honors kayong dalawa, may mini st. ignatius statue pa si grace (outstanding scholar!), hehe :p
anyway, bukod po dun, magpapasalamat din ako ng madami sa inyong dalawa :) A tayo sa thesis! yey! pangatlong A ko lang to sa buong college, pero ito din yung pinakamasarap kong A... i guess dahil ito rin kasi yung pinakamahirap :)
bukod sa thesis, salamat din noong:
expe psych - sa tingin ko madami tayong natutunan dito na nadala natin sa thesis... tsaka naalala ko pa noon na alanganin kayo sa subject na to, hehe... (alanganin kasi yung A namin ni candy. hehe!)
fr. dacanay - hindi ko makakalimutan yung pagcracram natin sa papers at pagmamadali magpaprint at magpunta sa jesuit residence, hehe... (all papers were due at 9 pm)
cog psych - medyo napabayaan nga natin ito kasi kasabay siya ng expe at theo 131, pero para sa kin ok pa din naman siya... kahit papano lesson na rin ito para sa atin - mas masarap ang tagumpay kung naranasan muna ang kabiguan :)
testing - hehe, medyo nakakapagod ito, pero gaya ng expe, marami rin tayong nadala sa thesis mula dito... marami akong kilalang juniors ngayon na nagrereklamo sa subject na ito, pero na-enjoy ko to, hehe...
i/o - yung tanging night class ko sa ateneo, hehe... hindi ko makalimutan yung hirit ni grace nung isang group meeting natin dito: "we don't need a devil's advocate because we already have the devil himself" (ok, hindi eksakto yan, basta parang ganun, hehe...)
hi 166 - medyo magulo yung group na ito, ang dami naman kasi e (plus ang dami ring kailangan gawin)... pero nalagpasan pa rin natin siya...
*special mention kay candy sa ab psych* - hehe, hula ko malaking dahilan kaya pumasa ako sa subject na to e dahil nagustuhan ni ma'am yung report natin :) salamat! :D (we had the same teacher, but i took the class after theirs)
*special mention ulit kay candy sa pol sci* - kung yung ab psych malaking dahilan yung report natin kaya ako pumasa, dito naman malaking dahilan yung report at paper natin kaya ako naexempt, hehe... nagfinals pa din ako (yinaya ako bigla ni berts nung pumunta ako sa testing room para magsoli ng philo notes kay kat), pero talagang mathematically impossible na maka-A pa ako dahil sabit lang ako sa pagka b+ ko, oh well... still, salamat! :) mababa lang ng konting-konti yung group work natin (1 point nga lang ata) hindi na ako maeexempt...
last but not the least (eto na)...
[wala na naman akong nakalimutan na iba di ba?]
thesis!
medyo mahaba-haba na tong email kaya iiksian ko na lang ng konti to...
una sa lahat, naaaliw ako na nag-enjoy tayo sa thesis... oo, sayang na hindi tayo nag best thesis pero ganun talaga ang buhay... naaalala ko nun nung isang meeting natin nung nag-iisip pa lang tayo ng topic nagtanong ako, "ano ba ang goal natin sa thesis? best thesis? o mag-enjoy tayo?"
alala niyo pa yung sagot niyo?
syempre, "pareho", hehe...
pero nung kailangan ng pumili ng isa, dun tayo sa 'masaya'... at dahil dun, ok na sakin na hindi best thesis... kasi mas gusto ko na yung masaya kesa naman best thesis tayo pero nagkaaway-away tayo, di ba?
sagot ko na din dun sa sinulat ni grace sa grad pic, yup, isa pa sa ikinatutuwa ko yung hindi tayo umabot sa point na nag-away away tayo... natupad natin yung pact natin... (one of our pacts when we began our thesis was to remain friends until at least april 2005)
[pero aaminin ko na naging mahirap siya... sobrang hirap... lalo na yung isa pang pact...] (our other pact was not to mention "the effect of color of paper on test performance", which was one of the topics badz wanted to do a test on, which i absolutely hated, to say the least)
alam ko na may mga oras na naiinis na kayo, tayo... sa kin, sa tin, o kung saan pang iba... pero at least hindi natin aalalahanin yung mga yun pag binalikan natin yung thesis (at least ako hindi)...
mas maaalala ko yung nag-e-enjoy tayo, lalo na yung hiritan...
gaya nung sinabi ni candy, nakakamiss yung mga hiritan... isa din sa pasasalamat ko sa group natin yung nagagawa nating maghiritan sa gitna ng mga matitinding pressure, hehe... wala lang, ilang group ba nakakagawa nun? (at makaka-A pa din sa thesis? hehe)...
gusto ko na ring humihingi ng paumanhin sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko... kung madami (o sobrang dami) man sila, isipin niyo na lang... at least natapos na rin yung thesis at gagraduate na tayo :)
isa pa pala, tungkol dun sa thesis adviser natin... alam kong naging mahirap siyang hagilapin, lalo na kung kailangan natin magtanong, at nagiging malabo siyang kausap nung nakakapagtanong na tayo... minsan hindi nababalik agad yung mga papel, hindi nasasabi yung grade natin, at minsan nahihirapan tayo lalo...
pero pagkatapos nung lahat, na-appreciate ko din na kahit ganun, ok pa din tayo sa thesis... ma-i-improve pa sana natin, oo, pero di ba medyo ok din naman na nakaya pa din nating siyang gawin - naging resourceful tayo at nagtanong sa iba, hindi lang tayo umasa sa kanya... mas naging independent tayo at nag-isip para sa sarili natin...
hindi ko naman kayo pinipilit na sumang-ayon sakin, gusto ko lang sabihin na para sa kin, ok na din yung kinalabasan... kung nag-induce man ito ng dagdag na hirap, at least kinaya pa din natin yung hirap na yun... mas naging masarap yung matapos sa tayo thesis dahil dun... (at least para sa kin)
ok, wag kayong mag-alala, malapit na matapos to...
sa dinami-dami ng laman ng thesis natin, yung pinaka hindi ko makakalimutan e nasa first two pages...
sa page 2 (ii), lahat nung mga tumulong sa atin para matapos ito, mahirap nga naman gawin ang isang psych thesis ng wala kang ibang taong pasasalamatan, lalo na't kailangan natin ng ibang tao para matapos yung thesis natin... yun at yung dedication sa ilalim... ;) (badz wrote, "this study is for everyone who has loved, who is in love, & who will fall in love")
sa page 1 ( __ -> nakatakip nung white na square para hindi masama sa printing), yung title (malamang!) at yung pangalan nung mga nasa group...
oo, yun yung pinaka hindi ko makakalimutan...
bukod sa lahat nung napagdaanan natin, ilang thesismate ba yung makakaintindi sa priorities ko sa college? ;) hehehe... (his priorities were social life/basketball, orgs, & acads, in that order)
muli, salamat sa lahat-lahat... :)
ngayon, pupunta na tayo sa "next chapter" ika nga, life after college...
good luck sa ating lahat... :)
sa trabaho, kung sakaling mag-aaral ulit, sa love life, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa lahat-lahat...
God bless!
wag niyo kalimutan tong egroups ha? email lang kayo "kamusta" lang o kahit kwento lang... :)
francis
ps.
congrats sa ting lahat, after 140 units in college (51 dun psych), tapos na tayo :)
"..."
Me, Badz & Candy after the mass & before the graduation rehearsal.
6 comments:
hindi pa rin po ako patient pero binasa ko siya :D
(naisip ko lang, sana imbes na italics, naka-highlight na lang yung comments mo, hehehe... ;) )
^ *patient* dapat yun, hindi ko alam ba't naging "/* siya... :)
i will indulge you by granting your request. i'll convert the italics to bold letters. :)
on second thought, why should i? blog ko to! hehe! ;)
iba pa rin ang bold sa nakahighlight :D
wala namang naka-highlight sa blog ko, a. italics lang. :)
Post a Comment